NAHIHIYA si Barbie Forteza na tinatawag siyang “the young Marian Rivera” dahil siya raw ang susunod sa mga yapak nito sa Kapuso Network.

Nagri-rate kasi ang lahat ng shows ni Barbie sa GMA-7 kabilang ang umeere ngayong Meant To Be. Idagdag pa na sa young talents ng Kapuso Network, ang pangalan niya ang pinakamaingay.

“Ang hirap naman niyang sundan. Mahirap ma-achieve ang mga na-achieve niya. Iba si Ate Yan, out of reach siya sa akin at mahirap siyang mapantayan. Saka kung makikilala ako, gusto ko sa sarili kong identity. Mas maganda ‘yung may sarili akong pangalan para walang fans na magagalit. Ginagawa ko naman ang best ko para magkaroon ako ng sariling identity,” sabi ni Barbie.

Maingay na ang pangalan ni Barbie dahil sa Meant To Be at mas umingay pa nang magsuot siya ng two-piece swimsuit. May mga nagkaideya tuloy na puwede na siya sa sexy pictorial.

Tsika at Intriga

Pinay na nag-steamy dance sa concert ni Ne-Yo, pinagpiyestahan!

“Ay, wala sa plano ko ang magpaseksi at magpa-pictorial ng sexy. Ang dream ko maging aktres, hindi maging sexy star.

Although, walang masama maging sexy star, iba lang ang gusto ko at ‘yun ay ang maging aktres,” pahayag niya.

Tinanong namin si Barbie kung ano ang vital statistics niya nang kunan ang beach scene sa rom-com series at pumayag siyang mag-two-piece?

“Hindi ko na inalam ang vital stats ko. Basta ang ginawa ko na lang, nag-diet ako ng three weeks para hindi naman ako mapahiya. May biniling one-piece swimsuit ang production, pero ‘yung two-piece na binili ni Mommy ang ginamit ko.

“Ang dapat noon, magsusuot ako ng shorts at tops lang ang makikita. Pero sabi ni Daddy, bakit pa ako magsu-shorts.

Three weeks kang naghirap mag-diet, ‘tapos magsu-shorts ka rin pala. Kaya nag-two-piece na ako at salamat na maganda ang reaction ng tao. Si Mommy lang ang hindi natuwa, puro raw ako taba,” sabi ni Barbie.

Kuha ni Direk LA Madridejos ang mga litratong lumabas sa newspapers na naka-two-piece si Barbie at aprubado ni Barbie ‘yun. Sa kanilang director lang pumayag magpakuha ng litrato ang aktres dahil may tiwala siya rito. Nagpasalamat din siya sa pag-aalaga ng production sa kanya nang kunan ang eksenang ‘yun.

May tsikang extended ang Meant To Be dahil mataas ang request ng fans, pero sabi ni Direk LA, wala pang advise ang network. Matutuwa sila kung mai-extend ang show dahil marami pang puwedeng gawin sa istorya at sa mga karakter.

Samantala, abangan ang cast ng Meant To Be sa March 12, sa mall show nila sa SM City San Jose Del Monte, Bulacan. Sa Mar. 19, sa Robinsons Gen. Trias, Cavite naman sila. (NITZ MIRALLES)