HINDI maaantala ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa ngayong taon sa kabila ng mga pandaigdigang taya ng panahon na nagbabanta sa posibilidad ng pagbabalik ng El Niño phenomenon ngayong 2017, na nagbubunsod ng matinding tagtuyot at kakapusan ng tubig.

Tinatayang magsisimula ang tag-ulan sa huling bahagi ng Mayo hanggang sa unang bahagi ng Hunyo, ayon kay Analiza Solis, officer-in-charge ng climate monitoring and prediction section ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

“We expect the normal onset of the rainy season in areas with Type I climate,” sabi ni Solis, ipinaliwanag na ang Type I climate ay may dalawang panahon—tagtuyot simula Nobyembre hanggang Abril, at tag-ulan sa natitirang mga buwan ng taon, samantalang ang pinakamalakas na buhos ng ulan ay simula Hunyo hanggang Setyembre.

Nananaig ang Type I climate sa kanlurang bahagi ng Luzon at sa kanlurang bahagi ng Panay Island sa Visayas.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“The southwest monsoon or ‘habagat’ affects those areas first,” sabi naman ni Aldczar Aurelio, weather forecaster ng PAGASA, bilang paliwanag sa paggamit ng ahensiya sa kondisyong meteorological bilang basehan sa pagtukoy sa magiging simula ng tag-ulan sa bansa.

Ang malawakang pag-ulan at ang pagbabago sa direksiyon ng hangin mula sa silangan patungong timog-kanluran ay maaaring senyales na papalapit na ang simula ng tag-ulan, ayon sa PAGASA.

“Thunderstorm activities or a tropical cyclone (TC) can trigger the onset of the rainy season,” sabi ni Solis.

Batay sa huling taya ng PAGASA, sinabi ni Solis na posibleng magkaroon ng tig-isa hanggang dalawang sama ng panahon sa Mayo at Hunyo, dalawa hanggang tatlong bagyo sa Hulyo, at dalawa hanggang apat naman sa Agosto.

“Communities must prepare accordingly,” dagdag pa ni Solis, nagbabala sa posibilidad ng baha at pagguho ng lupa sa nasabing mga buwan.

Normal naman ang buhos sakaling umulan sa bansa ngayong Marso at sa Abril, pagtaya pa ng PAGASA.

Posible rin ang normal na dami ng ulan sa Mayo sa Hilagang Luzon at Mindanao, samantalang higit naman sa karaniwan ang magiging buhos ng ulan sa iba pang bahagi ng Luzon at buong Visayas, ayon pa sa PAGASA. (PNA)