PARIS (AFP) – Walang self-congratulations kundi mga panawagan ng pagkilos ang magmamarka sa malawakang pagdiriwang ng 40th International Women’s Day bukas, sa pagharap ng kababaihan sa mga bagong banta sa laban tungo sa pagkakapantay-pantay.
Ang pamamaslang sa kababaihan sa Latin America, mga pagkilos kontra aborsiyon sa Europe, at machismo talk mula sa kalalakihang nasa kapangyarihan, ay ilan lamang sa mga alalahaning nagtulak sa milyun-milyong babae na magmartsa sa mga kabisera ng mundo nitong mga nakaraang buwan upang ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
‘’March 8 is not only to commemorate suffragettes and to celebrate successes from the past, but more to reflect on the present situation,’’ sabi ni Barbara Nowacka, politikong Polish at kinatawan ng komite na ‘’Save Women’’.
‘’There is still a lot to do concerning women’s role in the labour market, society, politics,’’ aniya sa AFP bago ang pandaigdigang pagdiriwang na nagbibigay-diin sa karapatan ng kababaihan, na inilunsad ng United Nations noong 1977.
Ilang sa mga kaganapang ikinabahala ng feminist sa kasalukuyan ay mga isyu ng abortion rights, pay equity at gender-based violence.