NEW YORK (AP) — Kahit knockout artist, kailangan ding matutong dumepensa, higit at hindi pipitsugin ang karibal.

Ito ang napagtanto ni Keith Thurman para makakuha ng sapat na puntos laban kay Danny Garcia para makamit ang panalo via split decision nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa unification championship ng welterweight title.

Sa kabila ng impresibing marka na 22 knockout sa 28 laban, napilitan si Thurman na dumiskarte para makumpleto ang dominasyon sa impresibo ring si Garcia.

“I was not giving the fight away. I felt like we had a nice lead, we could cool down. I felt like we were controlling the 3-minute intervals in each and every round,” pahayag ni Thurman, nagdulot ng unang kabiguan kay Garcia sa huling 34 na laban.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

“I thought I pushed the fight like a true champion and did enough to get the victory,” sambit ni Garcia.

Umalingawgaw sa Barclays Center ang hiyawan ng manonood nang magpambuno at magpalitan ng bigwas ang dalawang fighter sa unang limang round. Ngunit, nang maramdama ni Thurman na mahihirapan siyang ma-TKo si Garcia, ginamit niya ang taktika na sumuntok at dumepensa para makapuntos.

Nakuha ni Thurman ang iskor na 116-112 at 115-113,habang nakuha ni Garcia, pinapaboran na manalo ng crowd ng 115-113. Sa iskor ng AP,panalo rin si Thurman, 115-113.