BEIJING (AFP) – Dibdibang tututulan ng China ang paghihiwalay ng Taiwan, idineklara ni Premier Li Keqiang kahapon, at sinabi na walang patutunguhan ang mga pagkilos ng Hong Kong tungo sa kasarinlan.

‘’We will resolutely oppose and contain separatist activities for Taiwan independence,’’ ani Li sa pagtatalumpati niya sa pagbubukas ng taunang sesyon ng National People’s Congress. ‘’We will never tolerate any activity, in any form or name, which attempts to separate Taiwan from the motherland.’’

Tumitindi naman ang pangamba sa Hong Kong sa umiigting na pangingialam ng Beijing sa semi-autonomous financial hub.

Nagbunsod ito ng mga panawagan ng ilang aktibista para sa kasarinlan na ikinagalit ng Beijing.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Subalit, pinatay ni Li ang aumang pag-asa para sa kalayaan ng Hong Kong. ‘’The notion of Hong Kong independence will lead nowhere,’’ diin niya.