Sinimulan na ng House Committee on Civil Service and Professional Regulation ang deliberasyon sa mga panukalang magkakaloob ng seguridad sa trabaho o “security of tenure” sa mga kawani ng gobyerno na naghahawak ng casual at contractual position.

Ang mga ito ay ang House Bill Nos. 1125, 2988, 4871, 2287, 3331, 3465 at 4544 na inakda nina Rep. Gary Alejano (Party-list, MAGDALO), Deputy Speaker at Camarines Sur First District Rep. Rolando Andaya, Jr., Reps. Alfredo Vargas III (5th District, Quezon City), Jose Antonio Sy-Alvarado (1st District, Bulacan), Victoria Isabel Noel (Party-lIst, AN WARAY), Geraldine Roman (1st District, Bataan) at Maximo Rodriguez Jr. (2nd District, Cagayan de Oro City).

“Bakit hindi natin simulan ang pagreresolba ng contractualization sa ating bakuran mismo sa pamahalaan, kung saan napakarami sa nagtatrabaho dito ay walang seguridad,” punto ni Rep. Vilma Santos-Recto (6th District, Batangas), chairperson ng komite. (Bert De Guzman)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji