MOSCOW (AP) — Sinuspinde at pinagmulta ng US$250,000 si Russian heavyweight Alexander Povetkin bunsod nang pagpositibo sa ipinagbabawal na gamot, ayon sa ulat ng World Boxing Council.
Nagpositibo si Povetkin sa ipinagbabawal na muscle-builder ‘ostarine’ bago ang interim world title bout kontra Bermane Stiverne nitong Disyembre. Nakansela ang naturang laban.
Ang suspension ay sasakop lamang sa mga laban na sanctioned ng WBC. May karapatan din si Povetkin na huminge ng apela matapos ang isang taon kung magiging negatibo na ang kan yang mga drug test.
Ito ang ikalawang pagpalya sa doping test ni Povetkin. Nitong Mayo, naantala rin ang iskedyul na laban niya kay WBC heavyweight champion Deontay Wilder matapos magpositibo sa ipinagbabawal na gamot na ‘meldonium’.
Mgunit, nakalusot si Povetkin matapos mapatunayan na huminto na siya sa paggamit nito noong 2015 bago pa napabilang ang naturang gamot sa ipin agbabawal ng World Anti-Doping Agency (WADA).