Bumuo ang Philippine National Police (PNP) ng bagong anti-illegal drugs unit para sa muli nitong pagsabak sa giyera kontra droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tatawaging PNP Drug Enforcement Group, inaasahang ilulunsad ngayong Lunes ang bagong anti-drugs unit sa flag-raising ceremony sa Camp Crame sa Quezon City, na pangungunahan ni PNP Chief, Director General Ronald dela Rosa.

Ang ilulunsad na PNP-DEG ang ipinalit sa binuwag na Anti-Illegal Drugs Group (AIDG), ilang araw makaraan ang inaasahan nang pahayag ni Dela Rosa na pinahintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP na pangunahan ang pagbabalik ng kampanya kontra droga.

Matatandaang sinuspinde ng Pangulo ang PNP sa pagpapatupad ng drug war kasunod ng pagkakasangkot ng ilang pulis sa bentahan ng droga, pagiging protektor nito at pangingikil.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang pinakamatindi ay ang pagdukot sa South Korean na si Jee Ick-joo, na kinuha mula sa kanyang bahay sa Angeles City, Pampanga noong Oktubre sa kunwaring drug operation.

Pinatay si Jee sa loob mismo ng Camp Crame sa Quezon City sa mismong araw na dinukot siya ng umano’y mga tauhan ng AIDG, at nanghingi pa umano ng P5-milyon ransom mula sa maybahay ng dayuhan dalawang linggo makalipas ang krimen.

Ayon sa sources, ang PNP-DEG ay pamumunuan ni Senior Supt. Graciano Mijares, na inaasahang babakantehin ang kanyang puwesto bilang deputy director for administration ng Police Regional Office (PRO)-3.

Si Mijares ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1988.

Kasabay ng paglulunsad sa PNP-DEG ang inaasahang paghahayag ng opisyal na hotline number nito para roon direktang magsuplong ang mamamayang may nalalaman sa aktibidad ng ilegal na droga sa kani-kanilang komunidad.

TOKHANG 2

Bagamat ang operasyon ng pulisya—na kinabibilangan ng raid at buy-bust—ay nakatoka sa PNP-DEG, mga lokal na pulisya at opisyal ng barangay ang magsasagawa ng Oplan Tokhang 2.

“It will be the local police who would do that job in coordination with the barangay officials means. This means that it will always be the policemen in uniform and barangay officials who would do the Tokhang,” ani Dela Rosa.

Ang Oplan Tokhang ay ang pagkatok sa bahay ng mga hinihinalang sangkot sa droga upang pakiusapan ang mga itong sumuko. (AARON B. RECUENCO)