Mga Laro Ngayon

(JCSGO Gym, Cubao)

3 p.m. - Batangas vs Tanduay

5 p.m. – Café France vs AMA

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

TARGET ng Café France na mahila ang winning streak sa limang laro at patatagin ang kampanya na makasampa sa quarterfinals sa pakikipagtuos sa AMA Online education ngayon sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Hawak ang barahang 5-1, tatangkain ng Bakers na pormal na masikwat ang quarterfinal slot at palakasin ang tansa para sa NO.2 spot kung saan katumbas ang outright semifinal berth.

Umaasa si coach Egay Macaraya na mananatiling motivated para manalo ang Bakers sa pamumuno nina Paul Desiderio, Michael Calisaan, at Rod Ebondo kahit galing sila sa mahabang pahinga.

Magsisilbing balakid sa kampanya ng Café France ang Titans duo nina Jeron Teng at Juami Tiongson.

“Nag-focus kami sa individual defense. Kailangan naming mabantayan yung scorer nila,” pahayag ni Macaraya.

Hangad naman ng AMA na makabangon mula sa 98-93 kabiguang ipinalasap sa kanila ng Wangs Basketball nitong Lunes para bumagsak sa 5-3 marka.

“We lacked the energy and it’s definitely a learning experience for us. Sayang, but we’ll be better for the next game,” ayon kay Teng.

Ang panalo ay magbibigay sa Titans ng quarterfinal seat habang ang kabiguan ay posible pang maglagay sa kanila sa bingit ng ellminasyon.

Magtutuos ang dalawang koponan ganap na 5:00 ng hapon matapos ang unang laban sa pagitan ng Batangas at Tanduay ganap na 3:00 ng hapon.

“Hopefully, when we face Tanduay, we can maintain the same mindset: Enjoy the game and play basic basketball. Again, we’re happy with what we have right now, and we’re trying to improve on it and also build on it,” ayon kay Batangas coach Eric Gonzalez. (Marivic Awitan)