Nagpahayag ng posibilidad ang liderato ng Kamara na masaklaw pa rin ang plunder, rape, treason at iba pang krimen sa death penalty bill kung nais talaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na maparusan ng kamatayan ang mga nasabing krimen.

“Everything is possible during the bicameral conference committee, but I don’t want to preempt the decision of the bicameral panel at proper time,” ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng House Committee on Justice.

Kumbinsido si Umali na mas maraming senador ang susuporta rito matapos nilang mapagdesisyunan na limitahan ang krimen na kamatayan ang parusa.

Sinabi ni Deputy Speaker at Capiz Rep. Fredenil Castro na ang desisyong ito ng Mababang Kapulungan ay “to avoid more glitches that would delay the passage of the bill into law thereby, delaying the much needed legislation that would support the government in its ongoing war against illegal drugs.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Other crimes that call for death penalty maybe the subject of subsequent amendatory law that maybe passed by Congress,” dagdag niya.

Samantala, handa umano ang House leadership na magpaliwanag kay Pangulong Duterte at depensahan ang hindi pagsasama sa plunder at rape sa mga parurusahan ng kamatayan.

“Kung kami ay ipapatawag, syempre, ipapaliwanag namin sa kanya. Pero kung hindi naman, palagay ko at ako ay naniniwala na ‘yan ay ipapaliwanag ni (House) Speaker (Pantaleon) Alvarez,” pahayag ni Umali sa isang panayam sa radyo.

Aniya, ang paglilimita sa House Bill 4727 sa mga kaso ng droga ay isang “collective decision of the majority.”

Inamin ni Umali na nagdesisyon silang alisin ang rape, plunder, at treason “to expedite the process and to temporarily get the overwhelming consensus.” (Charissa M. Luci)