IBAAN, Batangas - Halos kalahating milyong piso ang na-withdraw ng isang electrician mula sa passbook na kanyang ninakaw sa isang 73-anyos na babae sa Ibaan, Batangas.
Ayon sa report ni PO2 Allan Comia, nagtungo sa himpilan ng pulisya si Erlinda Mercado para isuplong ang pinaghahanap na ngayong si Dante Hernandez, taga-Barangay Lapu-Lapu, na aniya’y kumuha sa kanyang passbook.
Nagawa umanong makapag-withdraw ng suspek ng P490,000 sa Lipa Bank-Ibaan at ibinalik pa sa bahay ng matanda ang passbook matapos mag-withdraw.
Iniimbestigahan pa ng pulisya kung paano nakapag-withdraw ang suspek, na may anim na withdrawal slip mula sa naturang bangko. (Lyka Manalo)