KUALA LUMPUR (AFP) – Pinalayas ng Malaysia ang ambassador ng North Korea at binigyan ito ng 48 oras para umalis, sa pumapangit na relasyon ng dalawang bansa kaugnay sa pagpatay sa half-brother ng lider ng Pyongyang.

Nilason si Kim Jong-Nam, 45, noong Pebrero 13 gamit ang mabagsik na VX nerve agent sa Kuala Lumpur International Airport. Hindi kinilala ng North Korea ang bangkay ni Kim ngunit paulit-ulit na kinutya ang imbestigasyon ng Malaysia.

‘’The ambassador has been declared persona non grata’’ matapos humiling ang Malaysia ngunit hindi nakatanggap ng paghingi ng tawad kaugnay sa mga pag-atake ng North Korea sa imbestigasyon, sinabi ni Malaysian Foreign Minister Anifah Haji Aman nitong Sabado ng gabi.

Hindi sumipot si Ambassador Kang Chol nang ipatawag ito ng ministry. Inaasahang aalis siya ng Kuala Lumpur bago ang ibinigay na expulsion deadline dakong 6:00 ngayong gabi.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture