SAN JOSE, Batangas - Pinaghahanap ng pulisya ang isang lalaki na umano'y pinagsamantalahan ang kahinaan ng isang dalagang may kapansanan sa pag-iisip at nagawa pa itong gahasain sa San Jose, Batangas.
Ayon sa report ni PO1 Judy Liwag, Biyernes nang dumulog sa pulisya ang ina at kapatid ng 31-anyos na biktima upang ireklamo ng panggagahasa si Melvin Remo, ng Barangay Palanca, San Jose.
Dakong 5:00 ng hapon noong Pebrero 15 nang halayin umano ni Remo ang biktima. (Lyka Manalo)