PANIQUI, Tarlac – Naaresto ng mga pulis ang mag-asawa na sinasabing nagpapakalat ng mga smuggled na sigarilyo sa Paniqui, Tarlac, nitong Sabado ng gabi.
Kinumpirma ni Senior Insp. Randie Patricio Niegos ang pagdakip sa mag-asawang Florence Laurente, 34; at Clarissa Laurente, 26, kapwa taga-Purok 2, Barangay Pasong Inchik, Guimba, Nueva Ecija.
Nasamsam mula sa mga suspek ang 24 na rim ng smuggled na sigarilyo na may iba’t ibang brand, na aabot sa P11,820 ang kabuuang halaga. (Leandro Alborote)