A body bag containing the remains of German National Jurgen Kantner, who was beheaded by  Islamic State-linked Abu Sayyaf militants, lies inside a morgue in Sulu, Philippines

Inihayag kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na natagpuan ng Marine Battalion Landing Team 3 ng Joint Task Force Sulu (JTF-Sulu) nitong Sabado ng gabi ang bangkay ng German na si Juergen Gustav Kantner, na binihag at pinugutan ng Abu Sayyaf Group (ASG) makaraang mabigo ang pamilya nito na mabayaran ang P30-milyon ransom.

Batay sa report ng JTF-Sulu, bandang 6:00 ng gabi nitong Sabado nang natagpuan ang katawan ni Kantner sa Sitio Talibang, Barangay Buanza sa Indanan, Sulu.

Ayon kay Col. Cirilito Sobejana, commander ng JTS-Sulu, kaagad niyang pinaresponde ang Scene of the Crime Operations (SOCO) sa lugar upang magsagawa ng post mortem examination sa dayuhan.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Idiniretso ang labi ni Kantner sa morgue ng Camp General Teodulfo Bautista Hospital habang kinukumpleto pa ang mga papeles nito para ibiyahe pabalik sa Germany.

Dinukot nitong Nobyembre, Pebrero 26 nang pinugutan ng Abu Sayyaf si Kantner makaraang mabigo ang pamilya nito na bayaran ang P30-milyon ransom na hiningi ng mga bandido kapalit ng kalayaan ng German.

Kasabay ng muling pagpapaabot ng pakikiramay ng AFP-WestMinCom, nangako naman si Presidential Spokesman Ernesto Abella na papanagutin ng gobyerno ang mga nasa likod ng malupit at “mindless acts” ng ASG upang tuluyan nang matuldukan ang “evils of extremism and plain banditry” ng grupo. (May ulat ni Genalyn D. Kabiling) (FER TABOY)