12. Hall of Famer (SM Baguio)

MULING naitala sa kasaysayan ang matagumpay na grand celebration ng 22nd Panagbenga Festival noong Pebrero 25-26 na tinampukan ng streetdancing at flowers floats parade sa Baguio sa pangunguna ng organizer nitong Baguio Flower Festival Foundation, Inc. (BFFFI). 

 

Gaya ng nagdaang mahigit dalawang dekada, dinagsa ng mga manonood ang streetdancing performances sa saliw ng masasayang tugtugin ng elementary drum and lyres, high school participants at open category.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Masugid namang inabangan ang flower floats parade para saksihan ang naggagandahan at naglalakihang floats na gawa sa 100 porsiyentong sariwang mga bulaklak at halaman at kinalululanan ng celebrities.

 

Ang mga nagwagi sa paligsahan sa dalawang event na ito ay tumanggap ng cash prize at trophy sa awarding/closing ceremony nitong nakaraang Marso 5.

 

Makasaysayan para sa bayan ng Pugo, La Union ang pagkakapanalo ng Pugo Catholic School streetdancers bilang champion sa open category division. Tumanggap sila ng P120,000, samantalang ang pumangalawang i-Lubuagen Performing Group of Kalinga ay nag-uwi ng premyong P80,000 at P50,000 naman sa pangatlong Virac-Itogon Drum and Lyre Corps.

Sa high school division, tinanghal na champion ang Baguio City National High School; pumangalawa ang Saint Loui’s High School at pangatlo ang Pines City National High School. Sila ay tumanggap ng P100,000; P70,000 at P50,000 ayon sa pagkakasunod.

Sa elementary division, sa ikaapat na magkakasunod na taon ay napanatili ng Apolinario Mabini ang pagiging champion sa drum and lyre competition. Nakamit din nila ang best musical, costume at props.

Tumanggap sila ng P150,000, samantalang P130,000 naman sa pumangalawang Baguio Central School at P120,000 sa pangatlong Emilio Aguinaldo Elementary School.

Sa pagandahan ng flower floats, nanalo uli, sa ikatlong magkakasunod na taon, ang North Luzon Expressway Corporation sa big float category, pangalawa ang SITEL Philippines Corp. at pangatlo ang Department of Tourism-Cordillera.

Tumanggap sila ng premyong P250,000; P180,000 at P150,000 respectively.

Sa small float category, naiuwi ng Maybank Philippines, Inc. ang first prize, pangalawa ang Coca-cola FEMSA Philippines, Inc. at pangatlo ang Asus Philippines. Tumanggap sila ng P150,000; P120,000 at P100,000 ayon sa pagkakasunod.

Nalubos ang kasiyahan ng mga manonood nang makitang nakasakay sa float ng GMA Network sina Maine Mendoza at Alden Richards; sina Bea Alonzo at Enchong Dee naman sa ABSCBN float, at si Jericho Rosalesnaman sa float ng M.Lhullilier.

Si Miss International Kylie Verzosa ay lulan naman ng Pepsi Cola float. Lumahok din sa float ang tatlong Hall of Famer na Baguio Country Club, City Government, at SM Baguio. (Rizaldy Comanda)

[gallery ids="229214,229213,229211"]