Sa kabila ng umiinit na tensiyon sa South China Sea, naniniwala ang isang dating American ambassador na hindi ito magreresulta sa direktang komprontasyon ng China at United States o sa alinman sa kanilang mga kaalyado sa rehiyon ng Asia-Pacific.

“What I would see is a continuing period of friction, but not leading to a basic confrontation,” sabi ni Charles Salmon Jr., senior fellow sa East-West Center sa Honolulu, Hawaii.

“The South China Sea is going to continue to be a sort-of neuralgic element in the relationship between China and my own country. I don’t think it’s wise to think it’s going to deteriorate and become quite apocalyptic,” ani Salmon sa Manila Bulletin.

Sinabi ni Salmon na palaging ididiin ng US ang freedom of navigation sa South China Sea, isang mahalagang ruta ng mga barkong naghahatid ng mga kalakal ng mundo. (Tara Yap)
National

‘Hindi naman makulong ‘yan!’ FPRRD, iginiit na ‘insignificant’ mga nangyayari kay VP Sara