MARIA AURORA, Aurora - Tatlong tama ng bala ang ikinamatay ng isang drug surrenderer makaraan itong ratratin ng hindi nakilalang salarin ilang metro ang layo sa bahay nito sa bayan ng Maria Aurora sa Aurora.

Sa ulat ni Chief Insp. Bayani Balbuena, hepe ng Maria Aurora Police, nakilala ang nasawing si Jose Ludwig Hulipas, alyas “Ka Peanut”, na mag-isang naglalakad sa tapat ng isang tindahan, dakong 7:15 ng gabi nitong Marso 3 nang lapitan at pagbabarilin sa mukha sa Bgy. 2, Maria Aurora.

Nabatid na kahit duguang nakabulagta na si Hulipas ay pinagbabaril pa rin ito ng suspek, na umangkas sa naghihintay na motorcycle rider matapos ang krimen. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?