200217_Lascanas Senate_1_ROMERO copy

Haharap ngayon sa Senado ang retiradong pulis-Davao City na si SPO3 Arthur Lascañas, isa sa mga umano’y makapangyarihang opisyal ng pulisya na malapit kay Pangulong Duterte, upang ilahad ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa sinasabing Davao Death Squad (DDS), na una niyang pinabulaanan limang buwan na ang nakalilipas.

Humarap sa Senado sa isang press conference nitong Pebrero 20, maluha-luhang inamin ni Lascañas ang kanyang naging papel sa pagpatay sa dalawa niyang kapatid na sangkot sa droga, at nanumpa ng “tell all” tungkol sa illegal drugs campaign ng Pangulo sa Davao City noong ito pa ang alkalde ng siyudad.

Si Senator Panfilo Lacson, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs, ang mangunguna sa pagdinig.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Matatandaang sa committee hearing ni Sen. Richard Gordon ay pinabulaanan ni Lascañas ang testimonya ni Edgar Matobato na mayroong DDS.

Bukod kay Lascañas, sinabi ni Lacson na inimbitahan din niya ang Philippine National Police (PNP), mga dating hepe ng pulisya sa Davao City, at ang Commission on Human Rights (CHR) para dalhin sa komite ang kanilang report sa imbestigasyong kanilang ginawa sa DDS.

Ang 10 senador na pumabor na muling pakinggan si Lascañas ay sina Senators Bam Aquino, Antonio Trillanes IV, Leila de Lima, Franklin Drilon, Risa Hontiveros, Francis Pangilinan, Francis Escudero, Ralph Recto, Sonny Angara at Joel Villanueva.

At ang mga tumanggi naman ay sina Senators Gordon, Sherwin Gatchalian, Cynthia Villar, Juan Miguel Zubiri, Manny Pacquiao, Joseph Victor Ejercito, at Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III. (Hannah L. Torregoza)