poveda cheer copy

NAPANATILI ng Centro Escolar University, St. Paul College Pasig at Poveda cheer dancers and kani-kanilang titulo sa pagtatapos ng 47th Women’s National Collegiate Athletic Association (WNCAA) cheerleading competition kamakailan sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Naitala ng CEU dancers ang makasaysayang ‘three-peat’ sa senior division kasunod ang matagumpay na kampanya sa basketball sa ikaanim na edisyon, taekwondo, table tennis, badminton at swimming.

Nakamit naman ng St. Paul at incoming host Poveda ang Ikaapat na titulo sa junior at midget division, ayon sa pagkakasunod.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Samantala, sa pagtatapos ng season ang De La Salle Zobel ang nagwagi ng pinakamaraming panalo na kinabibilangan ng ikapitong sunod na midgets basketball title, midgets volleyball at badminton, junior volleyball, futsal, lawn tennis, table tennis at swimming.

Kasunod nila ang Miriam College na may apat na championship sa midgets taekwondo at swimming at junior taekwondo at softball.

Nagwagi naman ng tig-isang titulo ang Chiang Kai Shek College (junior basketball), San Beda College Alabang (senior volleyball), Philippine Women’s University (senior futsal) at La Salle College Antipolo (junior badminton) sa 47th season na pinangunahan ng host St. Jude Catholic School. (Marivic Awitan)