Sinabi kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa na magsasama ang hepe ng lokal na pulisya at ang barangay chairman sa pagpapatupad ng ibabalik na “Oplan Tokhang”.

Sa isang panayam sa DZBB, sinabi ni Dela Rosa na hindi pahihintulutang magpatupad ng operasyon kontra droga ang mga pulis mula sa national at regional headquarters.

“Those authorized to conduct this are the municipal, the municipal chief of police accompanied by the barangay captain. That’s our basic so that they... and they are in uniform,” ani Dela Rosa.

“Those on civilians are not allowed to knock on the door, they should be in unifom. Operatives coming from the national and regional headquarters, they are no longer allowed,” dagdag pa niya.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Sinabi ni Dela Rosa na sakaling magkaroon ng paglabag ang mga pulis ay mananagot sa kanya ang hepe nito.

Hindi rin itinatanggi ni Dela Rosa ang posibilidad na kabitan ng mga body camera ang mga pulis na magkakasa ng anti-drug operation, bagamat inamin niyang wala pang budget sa ngayon para rito.

Una nang sinabi ni Dela Rosa na magsasagawa ang PNP ng reassessment sa mga tauhan nito upang matiyak na pawang matitinong pulis lang ang magpapatupad ng ikalawang bugso ng drug war. - Francis T. Wakefield