Laro Ngayon (Araneta Coliseum)

6:30 n.g. – SMB vs Ginebra

Alex Cabagnot kontra Chris Ellis at Japeth Aguilar (MB photos | JAY GANZON)
Alex Cabagnot kontra Chris Ellis at Japeth Aguilar (MB photos | JAY GANZON)
NAGHIHINTAY na ang hapag-kainan para sa masayang pagdiriwang sa isa pang koronasyon ng San Migue Beermen.

Ngunit, kung magkakamali sa galaw ang Beermen, tiyak na mahirap lunukin ang pagkaing nakahanda.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sisikapin ng Barangay Ginebra – bantog sa ‘never-say-die’ spirit – na maantala ang koronasyon ng Beermen sa paglarga ng Game Five ng OPPO-PBA Philippine Cup best-of-seven title series ngayon sa Araneta coliseum.

Inaasahang dadagsa ang buong barangay para suportahan ang hirit ng Kings ganap na 6:30 ng gabi.

Tangan ng Beermen ang dominanteng 3-1 bentahe matapos itarak ang 94-85 panalo sa Game Four nitong Biyernes.

Ngunit, mismong si Beermen coach Leo Austria ay naniniwalang hindi pa tapos ang laban.

“Hindi pa ito tapos. Makikita mo naman sa body language nila eh!. They don’t want to let this go,” pahayag ni Austria.

Gayunman, kung nakatadhana sa Beermen, nais niyang matapos na ang serye.

‘Sana nga para makapag-pahinga na,” aniya. - Marivic Awitan