SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija - Aabot sa P100,000 pera at alahas ang nakulimbat mula sa isang 62-anyos na biyuda ng Budol-Budol Gang sa Barangay Poblacion sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija.
Ayon sa ulat ng Muñoz Police, dakong 9:30 ng umaga nitong Marso 1 nang lapitan si Cecilia Castelo, ng Purok Curva, Bgy. Bantug, ng isang lalaki at isang babae at hinikayat siya ng mga ito na ipagkatiwala sa kanila ang kanyang pera at mga alahas kapalit ng isang supot ng perang pambili ng construction materials.
Nakaalis na ang mga suspek nang madiskubre ng matanda na mga papel lang pala ang laman ng supot, at natangay na ang kanyang P100,000. (Light A. Nolasco)