DIRETSAHANG inamin ni Piolo Pascual na boto ang kanyang inang si Mommy Amelia (Nonato Pascual) kay Shaina Magdayao.

Kuwento ni Piolo, maging noong bago pa lang silang magkakilala ni Shaina ay pawang positibo ang naririnig niya sa kanyang mommy hinggil kay Shaina.

Inamin kamakailan ni Piolo na limang taon na silang “exclusively dating” ni Shaina, at pinatotohanan din naman agad ito ng dalaga.

Relasyon at Hiwalayan

Carlos may makabagbag-damdaming b-day message sa mahal niyang si Chloe

“Shaina and I really talked about it. What’s important, I said, is what you say is true and sincere. So, whatever we have, whatever we talked about, eh, okay na ‘yun,” sey ng sikat na actor.

Ayaw nang patulan ni Papa P ang detractors na kung anu-ano ang mga negatibong komento sa pahayag nila ni Shaina.

“There is some bashing, a lot of comments, what’s good about all of this is that, what is important is we know what is true and we are okay,” lahad ng bida ng Nothern Lights: A Journey to Love.

Si Piolo ang bagong ambassador ng Optical Media Board (OMB) at nakahanda siya sa kanyang bagong responsibilidad.

“It’s a priviledge. It’s an opportunity to exercise your celebrity status and use it for the right reasons. ‘Yung mga ganitong cause ang ‘pinagpapasalamat ko kasi, you know, it’s an advocacy na walang bayad,” sey ni Papa P.

Itinuturing niyang napakalaking karangalan ng pagkapili sa kanya bilang ambassador ng OMB.

“Bilang artista, eh, hindi birong karangalan ito. I belong to this industry, entertainment industry, so best foot forward and at the same time, however you can use your influence to spread the cause, di ba?” pahayag niya.

(JIMI ESCALA)