TALAVERA, Nueva Ecija - Pinagbabaril ng hindi nakilalang salarin ang isang 47-anyos na magsasaka habang nanonood ng telebisyon sa kanyang bahay sa Purok I, Barangay Dimasalang Sur sa Talavera, Nueva Ecija.
Sa ulat ni Supt. Leandro Novilla, hepe ng Talavera Police, kay Senior Supt. Antonio C. Yarra, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang biktimang si Manuel Bernardino Esquivel, 42, may asawa.
Ayon sa report, kaagad na nasawi ang biktima makaraang pasukin sa bahay at malapitang pagbabarilin ng isa sa riding-in-tandem dakong 7:30 ng gabi nitong Marso 1, habang nanonood ng telebisyon. (Light A. Nolasco)