MIKAEL JANINE AT MARC

Ni MERCY LEJARDE

AFFECTED much sina Janine Gutierrez, Mikael Daez at Marc Abaya sa characters nila sa afternoon primetime serye na Legally Blind ng Kapuso Network.

May pinagdaanan pala kasi silang traumatic experience sa totoong buhay kaya nagagampanan nila nang buong husay ang kani-kanilang role.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ang naranasan nilang iyon ang nagbibigay daan para sa paghugot nila ng emosyon sa mga eksenang pinapagawa sa kanila ni Direk Ricky Davao.

Sa panayam ni Bianca Rose Dabu ng GMA News, ibinahagi nina Janine, Mikael at Marc ang kanilang traumatic experience.

“Noong bata ako, hindi ko talaga matanggap na naghiwalay ang parents ko,” pagtatapat ni Janine. “‘Yun ang sobrang hirap na panahon for me. Pero masuwerte ako kasi talagang kinausap kami nang maayos, na kahit hindi na sila together, mananatili pa rin kaming pamilya.”

Ibinahagi naman nina Mikael at Marc, sa magkahiwalay na interview, na ang pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay.

“Noong namatay ‘yung dad ko back in 2012 — sa tingin ko, ‘yun na ang pinaka-traumatic na nangyari sa akin,” sabi ni Mikael. “Kaya kami nakabangon, because of love. Malaki kaming pamilya, at nagtulungan talaga kami.”

“The passing of my mother (Direk Marilou Diaz-Abaya) was something. But because of my family and friends, of faith in God, I’m all right,” sabi naman ni Marc.

Halos lahat naman siguro, kung hindi man karamihan sa atin, ay dumaan na rin sa mabibigat na karanasan sa buhay. Pero sabi nga, move on for a better life ahead.