K BROSAS copy

HINDI akalain ni K Brosas na magiging libro ang hugot lines at advises niya sa mga kaibigan.

Nagsimula siyang isulat ito sa blog niya pero naging busy na siya kaya hindi na niya naasikaso. Pero dahil marami ang nakakabasa nito, may nagpayo kay K na gawin itong libro.

Ngayon, may titulo itong K-Sabihan at finally ay launching na ngayong 4:00 PM sa Robinson’s Place, Ermita, Manila.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Ang ABS-CBN Publishing ang naglathala ng K-Sabihan na mabibili sa lahat ng National Bookstore sa halagang Php175.

Bago magsimula ang launching at signing ay mapapanood muna sina Erik Santos, Jaya, Kyla, Pooh, Thor, Benj Manalo, Chokoleit at Pokwang para magbigay saya sa mga pupunta. Labis-labis ang pasasalamat ni K dahil hindi niya expected na magpiprisinta ang mga nabanggit.

“At libre sila, ‘no!” aniya.

Isa si K sa mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime. (Reggee Bonoan)