HINDI alam ni Arci Muñoz na isinabay pala ni Baste Duterte ang kanyang kaibigang si Ellen Adarna sa non-showbiz girlfriend nito at ina ng anak na si Kate Necesario.
Nakatsikahan namin si Arci pagkatapos ng Q and A sa presscon ng bagong reality show ng ABS-CBN na I Can Do That na isa siya sa “ICANdidate” at inamin niyang wala siyang alam sa nangyari at nalaman lang niya ang lahat sa isang panayam kay Baste.
“Ay, naku, kapag nakausap ko ‘yang si Baste, sasabunutan ko ‘yan, eh,” nagbibirong sabi ng dalaga.
Sabi namin, hindi kasalanan ni Baste kasi pumayag naman si Ellen na dalawa sila sa buhay nito.
“Kahit na, bilang gentleman... tsong naman!” diin ng sexy actress, sabay sabing, “Naku may topak kasi sila pareho!
Bahala sila sa buhay nila kung ano gusto nilang gawin!”
Matagal na bang alam ni Arci na may relasyon sina Ellen at Baste? O nagulat ba siya?
“Hindi ako nagulat, kasi nu’ng nakita kong lumalabas sila, sabi ko, ‘Ay, alam ko na’ doon mapupunta,” kuwento ng dalaga.
Sino sa palagay ni Arci ang may diperensiya kaya sila naghiwalay sina Ellen at Baste?
“Feeling ko nasa kanilang dalawa. Tanong n’yo na lang siya (Ellen),” mabilis niyang sagot.
Iginigiit ng netizens na gumagamit daw ng droga si Ellen batay sa viral video nila ni Baste dahil parang sabog daw ang itsura ng dalawa.
“Ha? Hindi ko alam, friend ko siya, nagkakakuwentuhan kami, pero hindi ko nakikita,” kunot-noong sabi ni Arci.
Normal naman daw at hindi lasing si Ellen kapag magkasama sila.
“Opo, normal naman siya. I know she drinks a lot and we all know that at na-witness ko naman na gumagapang talaga siya kaya hinihila ko siyang umuwi na, pero ‘yung drugs, parang hindi naman siya capable,” mariing sabi ng dalaga.
May kumakalat na video na may kahalikang babae si Ellen, siya ba ‘yun?
“Wow, I wish,” nakangiting sagot ni Arci. “Ano bang klaseng kiss ‘yun?” sabay tanong.
‘Torrid,’ sabi ng isang katoto sa dalaga.
“Talaga? Naku, pagsasabihan ko ‘yan. Oo, nakikinig naman siya sa akin, ako kasi ang pinakaate nila, nanay din nila, ako talaga susuway sa kanila,” kuwento ni Arci.
Nakikinig naman daw si Ellen sa kanya kapag seryoso na siya, maliban kay Baste.
“Ay, bahala sila kung ano gusto nila, kung saan sila masaya, di ba? Pero ako kasi when it comes to taking care of herself, iyon doon ako, para akong ate,” paliwanag ng aktres.
Sa tingin ba ni Arci, niloko ni Baste si Ellen kasi nga isinabay kay Kate?
“Ewan ko ba, parang tanga, di ba? Ano ba tawag do’n? Kasi kung ako ‘yun hindi ako papayag, sa normal na relasyon, hindi ako papayag na may kasabay o kahati.”
Si Mr. Bones ba babaero?
“No! Loyal siya,” mabilis na sagot ni Arci tungkol sa ex-boyfriend niya.
At dahil na-witness daw ni Arci sina Ellen at Baste, inakala niyang ‘sila na’ talaga.
“Kasi lalaking version ni Ellen si Baste, so akala ko magki-click sila, eh. Boto kaming mga friends sa kanilang dalawa, masayang-masaya nga kami, eh. Pero bilang babae kung sa akin gagawin iyon, magagalit ka rin pero bahala sila sa buhay nila,” kuwento ni Arci.
Anyway, ayaw sabihin ni Arci kung anong act ang ginawa niya sa I Can Do That na mapapanood na sa Sabado, Marso 11 kapalit ng Pinoy Big Brother Dream Team.
Franchise show ang I Can Do That galing Armoza Formats ng Israel sikat na sa iba’t ibang bansa. (Reggee Bonoan)