Iginiit ni Senator Leila de Lima na isang paraan ng “mind-conditioning” sa posibilidad ng pagpatay sa kanya ang pagkalat ng pekeng balita na nagpatiwakal siya sa loob ng selda, na sinabayan pa ng pahayag ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan na dapat ay sa mental hospital siya ikinulong.

Nagpalabas kahapon ng opisyal na pahayag ang senadora makaraang kumalat ang balitang nagpakamatay siya sa pagkakapiit sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, Quezon City.

“These have been spread in fake pro-Duterte news sites and reinforced by Speaker Pantaleon Alvarez’s statement that I should be detained in a mental hospital instead of the PNP Custodial Center,” saad kahapon sa pahayag ni De Lima.

“These fake ‘alternative fact’ news are making the rounds and being encouraged by Duterte’s lapdogs, such as Speaker Alvarez, in order to condition the minds of the people that the worst can happen to me while in detention at the PNP Custodial Center, without any fault of the Duterte regime because I supposedly already lost my mind after my arrest,’’ diin ni De Lima.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nilinaw ng senadora na katawan lamang niya ang nakakulong, ngunit maaaring manakaw ang kanyang kaluluwa at isipan at ipagpapatuloy niya ang kanyang trabaho bilang senador kahit pa limitado na ang kanyang mga galaw.

“Wala po akong sakit, at buo ang aking pag-iisip. Kaya po walang dahilan na ako ay mamatay sa sakit o magpatiwakal dahil sa lungkot. Inaasam ko pa po na masaksihan ang pagharap ng rehimeng ito sa Dambana ng Hustisya, at ang kasunod nito ay ang pagbibigay-hustisya sa libu-libong mahihirap nating kababayan na kanilang walang-awang pinagpapatay nang walang paglilitis,” sabi pa ni De Lima.

“Let us remember Jun Pala. Given the capacity of this President for assassinating his political opponents as revealed by none other than his Davao Death Squad right-hand man, retired SPO3 Arturo Lascañas, I definitely do not feel secure and safe inside Duterte’s prisons,” saad pa sa pahayag ng senadora.

Aniya, naglipana ang death squad ni Pangulong Duterte, kabilang na rito ang pumatay kay Albuera, Leyte Mayor Roland Espinosa sa loob ng piitan.

“If I die inside Duterte’s prisons it is not because I committed suicide, but it is because the President has finally ordered me killed. In the unfortunate event that I die in prison, you all know who my murderer is.” - Leonel M. Abasola