Sinabi kahapon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na dapat na naging maingat ang Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) sa naging operasyon nito, sa harap ng kabi-kabilang batikos sa pagpapahubad sa mga bilanggo habang nagsasagawa ng raid ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa piitan.

Dumagsa ang mga alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao sa pagpapatupad ng matagal nang kontrobersiyal na kampanya kontra droga ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Panelo, wala siyang nakikitang masama sa pagpapahubad sa mga bilanggo kung para iyon sa seguridad ng lahat ng nasa loob ng pasilidad.

“Sa akin, eh, kung security ang pag-uusapan, eh, siguro kailangang ganoon. Ang dapat lang nilang pangalagaan, ang hindi ma-expose sa public ‘yung naked body ng isang bilanggo,” sinabi ni Panelo sa panayam ng Radyo ng Bayan.

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Aniya, hindi na dapat pang isinapubliko ng sinumang kumuha ng litrato ang nasabing mga larawan dahil isa itong paglabag sa right to privacy ng mga bilanggo. (Argyll Cyrus B. Geducos)