Arnold Schwarzenegger (Photo by Jordan Strauss/Invision/AP, File)
Arnold Schwarzenegger (Photo by Jordan Strauss/Invision/AP, File)

INIHAYAG ni Arnold Schwarzenegger nitong Biyernes na aalis na siya sa The New Celebrity Apprentice, at isinisi kay US President Donald Trump ang mababang ratings ng reality show sa telebisyon.

Pinalitan ni Schwarzenneger ang pangulo bilang host ng palabas, ngunit nanatiling executive producer si Trump. Pinuna ng pangulo si Schwarzenneger dahil sa mababang ratings ng palabas, at nilibak din siya ng pangulo sa talumpati nito sa National Prayer Breakfast.

N

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

atapos ang 15th season ng show nitong nakaraang buwan, na karaniwang mas mababa sa limang milyon ang mga nanonood kada episode. Kahit alukin uli siya, sinabi ni Schwarzenneger na ayaw niyang maging host nito.

“With Trump being involved in the show, people have a bad taste and don’t want to participate as a spectator or as a sponsor or in any other way support the show,” aniya sa panayam ng Empire website. “It’s a very divisive period now, and I think this show got caught up in all that division.”

Sumang-ayon sa kanya si Shannon Coulter, co-founder ng #GrabYourWallet protest laban kay Trump. Layunin ng pagsisikap na ito na iboykot ang mga kumpanya na konektado sa pamilyang Trump, kabilang ang mga sponsor ng Apprentice.

“My impression is that The New Celebrity Apprentice’s poor performance has everything to do with Donald’s continued presence and the accompanying ‘baggage’ Mr. Schwarzenegger mentioned,” saad nito. “We applaud Mr. Schwarzenegger’s decision to leave the show and to distance himself from the toxic Trump brand.” - AP