Nangangailangan ang Department of Education (DepEd) ng mga bagong guro na magtuturo sa mga estudyanteng tutuntong sa Grade 12 sa darating na school year.

Ayon kay Jesus Mateo, Education Undersecretary for field operations, 40,000 guro ang kailangan nila para sa School Year 2017-2018.

Kalahati, aniya, sa mga nasabing guro ay magtuturo sa unang batch ng mga senior high school student at ang kalahati naman ay magtuturo sa Grade 1 hanggang Grade 10.

Base sa guidelines na inisyu ni Education Secretary Leonor Briones, mahigit P55 bilyon ang nakalaang pondo para sa mga papasang aplikante sa mga pampublikong paaralan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pinaalalahanan naman ni Mateo ang mga interesadong guro na kinakailangang sila’y lisensiyado habang may limang taon naman ang mga magtuturo sa senior high school para makapasa sa licensure examinations.

Napag-alaman na ang paghahanap ng mga bagong guro ay magtatagal hanggang Abril 30 upang sumailalim sa kaukulang pagsasanay. - Mary Ann Santiago