DAVAO CITY – Hustisya ang panawagan ng mga aktibista kontra pagmimina sa Davao City kasunod ng pagpatay sa dalawa nilang kasamahan sa Compostela Farmers’ Association sa Gawad Kalinga sa Barangay Osmeña, Compostela sa Compostela Valley nitong Huwebes.
Bandang 9:30 ng gabi nitong Huwebes at naghahanda nang matulog ang mag-asawang Leonela at Ramon Pesadilla, kasama ang limang taong gulang nilang apo nang katukin sila ng dalawang hindi nakilalang armadong lalaki.
Ayon sa mga saksi, binuksan ni Leonela ang pintuan ngunit pinagbabaril siya ng mga suspek, na kaagad pumasok sa bahay para bistayin si Ramon.
Aktibo ang mag-asawa sa pagkontra sa malalaking kumpanya ng minahan sa Compostela Valley. (Yas D. Ocampo)