Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang direktang ebidensiya na magdidiin kina dating PNP general at ngayo’y Daanbantayan Mayor Vic Loot, dating Cebu City Mayor Michael Rama at businessman Peter Lim sa ilegal na droga.
Ayon sa Pangulo, wala talagang maisasampang kaso sa mga nasabing opisyal dahil hindi sila naaktuhang humahawak ng ilegal na droga.
Unang tinukoy ng Pangulo sina Rama at Loot na mga protektor ng droga habang si Peter Lim ay isa umanong drug lord.
(Beth Camia)