MATAPOS ang halos 15 buwan na pahinga, balik panalo si four-time world champion Filipino-American Brian Viloria via eight-round unanimous decision kay Ruben Montoya ng Mexico kamakalawa sa Ryogoku Kokugikan sa Tokyo, Japan.

Ito ang unang pagwawagi ni Viloria matapos mabigo sa kanyang paghamon kay ex-WBC flyweight champion Roman “ Chocolatito” Gonzalez at unang laban din sa ilalim ng Teiken Promotions sa Japan.

Aminado si Viloria na medyo kinalawang pero magandang tune-up ang laban sa matibay na si Montoya. Umaasa siyang sasabak sa isang world rated boxer sa kanyang susunod na laban bago mag-ambisyon sa world title bout.

“We just really wanted to see where I’m at at this point. This fight just gave me a great indication of where I’m at.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

I know I have a lot more ways to work at,” sambit ni Viloria, sa panayam ng Rappler.com.

Nagwagi ang 36-anyos na boksingerong kilala sa bansag na “Hawaiian Punch” sa mga iskor na 78-74, 78-75 at 77-75 para mapaganda ang kanyang rekord sa 37-5-0-2, kabilang ang 22 knockout.

Sa isa pang undercard, natalo ang Pilipinong si Glen Medura sa 3rd round TKO kay IBF No. 3 super bantamweight Ryosuke Iwasa sa nakatakdang 10-round junior featherweight bout. (Gilbert Espeña)