TOKYO (Reuters) — Nakatakdang bumisita si US Secretary of State Rex Tillerson sa Japan, South Korea at China ngayong buwan, iniulat ng Japanese media nitong Sabado.

Ang nakatakdang pagbiyahe ni Tillerson ay para pagtibayin ang relasyon ng US at China matapos ang magaspang na simula kasunod ng pagkakaluklok ni US President Donald Trump, gayundin ang umiinit na tensiyon sa pagitan ng North Korea kasunod ng pagpatay sa half-brother ng kanilang leader sa Malaysia.

Ayon sa tagapagsalita ng U.S. State Department: "We don't have any travel to announce at this time." Habang ang Japanese at South Korean at foreign ministries ay hindi mahingan ng komento.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture