Hinimok ni Senator Leila de Lima ang tagapagsalita ng Palasyo at si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald dela Rosa na huwag gawing mangmang ang sambayanan sa mga pahayag ng mga ito na wala silang kinalaman sa extrajudicial killings (EJK).

“To the President’s and PNP spokespersons and other presidential defenders who deny that the daily drug killings are state-sponsored and instead demand for ‘solid proof,’ I say to you: Stop insulting our intelligence. Stop fooling our people and the rest of the world,” saad sa sulat-kamay na liham ng senadora.

Aniya, ang katotohanan ang unang biktima ng “war on drugs” na ipinapatupad ng pamahalaan, na kumitil na ng halos 8,000 buhay sa bansa.

Nakasaad din sa liham ni De Lima na sa takdang panahon ay lalabas din ang katotohanan kung sino ang totoong nasa llikod ng droga sa bansa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, hiniling ng Department of Justice sa Muntinlupa Regional Trial Court na pagsama-samahin na lamang ang mga kasong inihain laban kay De Lima at sa iba pang kapwa akusado nito sa umano’y illegal drug trade sa National Bilibid Prison.

Sa motion for consolidation, iginiit ng mga prosecutor na iisa lang naman ang impormasyon sa tatlong kasong nakahain sa Muntinlupa City RTC Branches 204, 205 at 206 at hiniling din na ibigay ang mga ito sa sala ni Judge Juanita Guerrero, ang paglilitis sa mga kaso. (Leonel Abasola at Beth Camia)