CHICAGO (AP) — Nabunutan ng tinik sa alalahanin si coach Steve Kerr. Tulad nang dalangin ng mga tagahanga ng Golden State Warriors, hindi malubha ang injury ni Kevin Durant at malaki ang tyansa na makabalik ito sa playoff.

“At first, we thought he was done for the year,” pahayag ni Kerr. “The second prognosis was way better than the first. Just given that sequence, I think he’s feeling a lot better about things now than he was at first.”

Sa resulta ng MRI nitong Huwebes (Biyernes sa Manila), nagtamo si Durant ng ‘sprained the medial collateral ligament’ sa kaliwang tuhod. Kakailanganin niyang magpahinga, ngunit hindi sa kabuun ng seasom.

“There was definitely a sense of relief that he’ll be able to come back at some point down the stretch of the season,” pahayag ni two-time reigning MVP Stephen Curry.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Malaking kawalan si Durant sa kampanya ng Warriors para sa ikatlong sunod na pagsampa sa kampeonato at sa ikalawang titulo. At ramdam ito nang matamo ng Warriors ang ikalawang sunod na kabiguan nang pabagsakin ng Chicago Bulls.

Tangan ni Durant ang averaged 25.3 puntos at 8.2 rebound.