LOS ANGELES (AP) — Hindi natutuwa sa may-ari ng Snapchat ang mga kapitbahay niya sa Los Angeles Halos isandosenang residente nagtipon noong Huwebes malapit sa Venice Beach headquarters ng Snap Inc. matapos magsimula ang trading ng shares sa New York Stock Exchange. May bitbit silang mga karatula na nagpapahayag ng kanilang reklamo, gaya ng: “Snap killed Mom and Pop.”

Para sa mga lokal, banta ang kumpanya sa kanilang makulay at malikhaing pamayanan malapit sa Venice boardwalk.

Simula nang dumating noong 2013, bumili ang Snap ng bahay, mga tindahan at isang apartment building, at ginawang opisina ang mga ito. Nangangamba rin ang mga residente na dahil dito ay taaas ang renta sa kanilang lugar.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na