ISULAN, Sultan Kudarat - Isang dating pulis na kabilang sa mga suspek sa Maguindanao Massacre ang nasugatan makaraang makipagbarilan sa mga pulis na aaresto sa kanya sa Pikit, North Cotabato nitong Huwebes.

Kinilala ni Chief Insp. Donald Cabigas, hepe ng Pikit Municipal Police, ang nasugatan na si Jonathan Engid, dating pulis, nasa hustong gulang, at ika-122 sa 196 na akusado sa Maguindanao Massacre.

Ikinasa ang pagdakip kay Engid, sa bisa ng arrest warrant, makaraan itong mamataan ng awtoridad sa Barangay Batulawan sa Pikit nitong Huwebes ng umaga.

Nagpapagaling ngayon sa tinamong bala si Engid, na bantay-sarado ng pulisya sa ospital.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Matatandaang 58 katao ang sabay-sabay na pinaslang sa Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009, at hanggang ngayon ay hindi pa nadadakip ang lahat ng 196 na suspek sa krimen. (Leo P. Diaz)