GUIMBA, Nueva Ecija - Isang 34-anyos na babaeng guro ang nagsampa ng reklamong panghahalay laban sa 56-anyos na head teacher ng isang paaralang elementarya na pinaghahanap na ngayon ng pulisya.

Kinilala ni Guimba Police chief, Supt. Rechie Duldulao ang suspek na si Luis Manalang, taga-Barangay Sto. Cristo, Guimba, na inireklamo ng panggagahasa ng isang babaeng guro, may asawa, ng Bgy. Casongsong.

Ayon kay SPO1 Lorelia Ventura, ng Women’s & Children’s Protection Desk ng Guimba Police, isinalaysay ng biktima na tanghali ng Nobyembre 18, 2016 nang halayin siya ni Manalang sa Sitio San Roque Resort sa Bgy. San Roque, habang tinututukan ng patalim.

Sa salaysay ng biktima, Enero 22 lamang siya nakapagreklamo laban sa suspek dahil hina-harass at ineeskandalo umano siya nito kahit sa harap ng kanyang mga estudyante. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!