BAGGAO, Cagayan – Napaulat ang pagdating ng hindi pa tukoy na bilang ng mga armadong lalaki, na hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA), sa komunidad sa kabundukang Sitio Kutukot sa Barangay Adaaog, Baggao, Cagayan—at labis na nangangamba ang mga residente.

Batay sa mga ulat mula sa Police Regional Office (PRO)-2, dakong 7:20 ng gabi nitong Pebrero 28 nang nagsimula ang umano’y pananakot ng mga armado sa mga residente.

Masusi namang naka-monitor ang Philippine Army sa nasabing lugar.

Napaulat pa na pinaulanan ng bala kamakailan ang kampo ng civillian armed auxillary (CAA), na nauwi sa engkuwentro na tumagal ng 28 minuto, ayon kay T/Sgt. Juniton M. Laoyoen, team leader of CAA.

Probinsya

Aso sa Masbate, pinalo sa ulo hanggang mamatay–‘for the content’ lang?

Wala namang nasugatan sa panig ng CAA. (Liezle Basa Iñigo)