PORT-AU-PRINCE (AFP) — Sumakabilang buhay nitong Biyernes ang dating pangulo ng Haiti na si Rene Preval, isang agronomist at katuwang ng mahihirap na naglingkod ng dalawang termino bilang pangunahing leader ng nasabing bansa, kinumpirma ng mga opisyal. Siya ay 74.

"I have sadly learned of the death of former president Rene Preval," post ni President Jovenel Moise sa Twitter. "I bow before the remains of this dignified son of Haiti."

Nagpahayag din ng kalungkutan si Michel Martelly, dati ring pangulo ng Haiti, sa social media.

"President Preval, Little Rene, my brother, my friend and adviser, your passing leaves us in shock," tweet ni Martelly, nagsilbing pangulo simula 2011 hanggang 2016.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ginamit ni Martelly ang Creole "Ti Rene" sa kanyang tweet, na term of endearment ng mga Haitian para kay Preval.

Ayon sa local media reports, ayon sa kapatid ni Preval, cardiac arrest ang ikinamatay ni Preval.