KABUUANG 90 kapana-panabik na laban ang naghihintay sa sabong nation sa pagpapatuloy ng 2017 UFCC Cock Circuit third leg ngayon sa Las Pinas Coliseum.
Nakatakdang magsimula ang aksiyon ganap na 2:00 hapon.
Ang 2nd Leg solo champion na si Edwin Tose (April 5 Dayang-dayang) ang inaasahan mangunguna sa labanan sa pagitan ng mga “pinakamahuhusay at pinakamatatapang” na mananabong ng bansa na nag-aagawan para sa titulo ng 2017 UFCC Cocker of the Year. Umiskor si Tose ng limang panalo at isang tabla sa ikalawa sa pitong yugtong derby.
Handog ng Ultimate Fighting Cock Championships sa pamumuno nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos at Engr. Sonny Lagon, ang makasaysayang digmaan ng mga sasabungin-manok ay magkakatuwag na itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP, Resorts World Manila at Solaire Resorts & Casino.
Ilan sa mga kalahok sina Gov. Eddiebong Plaza, RJ Mea, Nelson Uy & Dong Chung, Gerry Teves, Joey delos Santos, Engr. Toni Marfori, Eric dela Rosa, Engr. Celso Salazar, Ricky Magtuto, Dorie Du/Aurelio Yee, Eddie Boy Villanueva, Ka Luding Boongaling, Arman Santos, Ceasar Dy, Cong Peter Unabia/Femie Medina, Rey Briones, Art Atayde, Gov. Ito Ynares, Atty. Arcal Astorga, Pol Estrellado, Allan Syiaco at Anthony Lim.
Ang mga susunod na 6-cock derby ay sa Marso 11, 25 at Abril 1 at magtatapos sa isang araw na 7-cock derby sa Abril 22.
Samantala, ang reserbasyon ng cockhouses para sa 2017 World Pitmasters Cup2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby sa May 14, 15, 16, 17, 19 & 20 sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila, ay tinatanggap na.
Para sa detalye ng reserbasyon, magtext o tumawag kay text Kate 0927-8419969.