Kinondena ng isang grupo ng kabataan kahapon ang mayorya ng mga mambabatas sa House of Representatives na bumotong ipasa sa ikalawang pagbasa ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa mga kasong may kaugnayan sa droga.

Inilarawan ng Samahan ng Progresibong Kabataan (Spark) ang boto ng mga mambabatas sa pagsasabatas ng kontrobersiyal na “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police (PNP).

“Marching to the tune of the Palace, legislators under Speaker [Pantaleon] Alvarez’ baton are no longer contented with the body count of the drug war that they opted to shift from extra-judicial killing to judicial killing by legalizing the drug war,” sabi ni Spark Spokesperson Joanne Lim.

Para sa grupo, ang House Bill 4727 o “Death Penalty Law”, ay “repulsive and characteristic of a corrupted and insecure regime whose depressing morality is still nurtured with feudal if not barbaric instincts.”

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

‘DI SAKOP NG BITAY

Sa botohang viva voce noong Miyerkules ng gabi, pinagtibay ng Kamara ang HB 4727 na nagbabalik sa parusang kamatayan.

Gayunman, hindi ito maaaring ipataw sa nagkasala na wala pang 18 taong gulang o mahigit nasa 70 anyos.

(Merlina Hernando-Malipot at Bert de Guzman)