“Kapag may tiyaga, may nilaga,” ayon sa kasabihan nating mga Pilipino.

Determinasyon at lakas ng loob ang naging susi ng mga nanalo sa Home Catalogue Shopping, Inc (HCSI) sa pag-abot ng kanilang pangarap.

Walang mapagsidlan ng saya at pasasalamat si Reynaldo Santos, grand prize winner, nang iabot sa kanya ang napanalunang P1,500,000 sa awarding ceremony sa Happy Garden Café, Makati nitong Pebrero 20.

“Order lang ako nang order dahil maganda naman ang mga produkto kaya wala naman akong talo. Mayroon pa akong chance manalo. Laking tuwa ko talaga noong nalaman ko na nakuha ko ang grand prize,” nakangiting pahayag ni Reynaldo.

Tsika at Intriga

Kris Aquino, hinihikayat ulit na magpaalbularyo

Palalaguin naman ni Wellington Manlangit, second prize winner, ang napanalunang tumataginting na P250,000.

“Magtatayo ako ng laundry shop dahil mayroong water purifying station ang aking anak. Balak ko gamitin ‘yung sobrang tubig mula sa water station para hindi sayang,” ani Wellington.

Kung ano ang nasa puso mo, sundin mo. Ganito naman ang payo ni Rodrigo Valencia, third prize winner, na nag-uwi naman ng P50,000.

“Noong nakita ko ‘yung print ad, naramdaman ko na para sa akin talaga ito kaya tuluy-tuloy lang ako sa pag-order.

Tapos noong nalaman ko na nanalo ako, pakiramdam ko na tama naging desisyon ko sa pagsali,” sabi ni Valencia.

Ang HCSI ay isang distance-selling company sa Pilipinas na nag-aalok ng mabilis at madaling paraan ng pamimili sa libu-libong Pilipino sa bansa. Direktang ipinapadala sa mga customer ang catalog upang makapag-shopping sila kahit sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan.