Patung-patong na kaso ang kinakaharap ng apat na pulis-Quezon City, kabilang ang isang opisyal, matapos silang ireklamo sa Office of the Ombudsman ng isang “Oplan Tokhang” survivor ng Philippine National Police (PNP) na naging sanhi ng pagkamatay ng apat niyang kasamahan noong Agosto 2016.

Kasong murder, frustrated murder, robbery at pagtatanim ng illegal drugs at baril ang isinampa ni Efren Morillo laban kina Police Senior Insp. Emil Garcia, Police Officer (PO) 3 Allan Formilleza, PO1 James Aggarao at PO1 Melchor Navisaga, pawang nakatalaga Quezon City Police District (QCPD) Station 6.

Kinasuhan din ang umano’y impormante na sina Lea Barcelona, Mary Joy Ralo, Lorie Barcelona, at Richard Andan alyas “Manok”.

Ang kaso ay nag-ugat sa ikinasang Tokhang operation ng apat na pulis sa Group 9, Area B, Payatas, Quezon City noong Agosto 21, 2016, kung saan binaril at napatay ng mga pulis ang apat na kasamahan ni Morillo.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Pinabulaanan ni Morillo ang alegasyon ng mga pulis na nahuli silang nagpa-pot session dahil naglalaro lamang umano sila ng pool sa kanilang lugar nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Morillo, nagawa niyang makaligtas nang magkunwari siyang patay dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan. (ROMMEL P. TABBAD)