Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasugatan ang 14 sundalo sa mainit na pakikipagsagupaan sa gurpo ng lider ng Abu Sayyaf na si Radullan Sahiron sa Patikul, Sulu kahapon.

Ayon kay Army Spokesman Colonel Benjamin Hao Jr., batay sa initial reports na natanggap nila mula sa military commanders sa field, ang matinding bakbakan ay nagsimula bandang 9 n.u. kahapon at kasalukuyan pang nagpuputukan as of press time.

Sinabi ni Hao na ang operating troops ng 32nd Army Infantry Battalion at 1st Infantry Division sa ilalim ni Lt. Col. Ernesto Flores Jr. ay nagsasagawa ng field military operations sa Kan Ugong, Barangay Igasan, Patikul, Sulu, nang makaengkuwentro ang umaabot sa 120 bandidong Abu Sayyaf Group na pinamumunuan ng senior leader na si Radullan Sahiron at sub leaders na sina Sawadjaan and Almuher Yadah.

Labing-apat na sundalo na ang nasugatan samantalang hindi pa madetermina ang pinsala sa mga kalaban.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang mga sugatang sundalo ay dinala sa CampTeodolfo Bautista Trauma Hospital upang gamutin.

Sinabi ni Hao na ang mga sundalo ay tinamaan ng sharpnel habang nakikipagpalitan ng mga putok sa mga kalaban.

Mayroong hindi pa kumpirmadong mga ulat na ang apo ni Sahiron na ginawang "child warrior" ng kanyang sariling lolo ay kritikal na nasugatan nang magsimula ang putukan. (Francis T. Wakefield)