Napatay ang isang volunteer doctor makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa Kapatagan, Lanao del Norte, nitong Miyerkules ng gabi.

Batay sa report ng Kapatagan Municipal Police, kinilala ang biktimang si Dr. Dreyfuss Perlas, tubong Aklan, at volunteer doctor ng Lanao Del Norte Provincial Hospital na nakadestino sa Barangay Maranding sa Lala.

Ayon sa police report, pauwi na si Perlas sa bayan ng Sapad, dakong 7:00 ng gabi nitong Miyerkules nang pagbabarilin sila ng mga hindi nakilalang lalaki.

Kaagad na nasawi ang doktor, at inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay dito. (Fer Taboy)

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!