Bumuwelta si Sen. Antonio Trillanes IV sa pahayag ni Chief Presidential Legal Adviser Salvador Panelo na muling pag-aaralan ang amnestiyang ibinigay ng nakaraang administrasyon sa senador.

Ayon kay Trillanes, ‘tila hindi naiintindihan ng top legal adviser ng pangulo ang mga sinasabi nito, at makabubuti aniyang rebisahin muna ni Panelo ang mga patakaran sa pagkakaloob ng amnestiya bago ito magsalita dahil nagmumukha, aniya, itong ignorante.

“Panelo seems to be getting legal advice from the guy who sold him his ripped jean,” patutsada pa ni Trillanes sa pagkuwestiyon sa kaalaman ni Panelo sa batas.

Nilinaw naman ni Panelo na sa ngayon ay wala silang balak na ungkatin ang amnestiyang iginawad ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III kay Trillanes. (Leonel M. Abasola)

Tsika at Intriga

'Call me mangga!' MUPH 2026 Bea Windorski, dedma sa mga memang okray sa korte ng baba niya